Type Here to Get Search Results !

INAANO KA BA?


By: E.GENTS DT (JAPS)


"Inaano ka ba?"

Gusto mo ba talagang malaman
Ang tunay mong kabuluhan?
Ang tunay na dahilan
Bakit ikaw ang pinakamahalaga kong yaman?

"Inaano ka ba?"

Wala naman. Naisip ko lang nung una.
Nung minsang ako'y nangiti, bigla kang namula.
Na kahit milya ang pagitan
Ramdam ko ang kuryente sa yong katawan.

"Inaano ka ba?"

Sa totoo, hindi ko rin alam.
Bakit pag nakikita ka mundo ko'y bumabaligtad.
Isip ay lumilipad.
Tungo sa kinabukasang ni minsan di ko hinangad.

"Inaano ka ba?"

Hindi mo pa rin ba maintindihan?
Na kapag ikaw ay nandyan
Na kapag ika'y aking nasilayan
Lungkot ay lumalayo at si Ligaya'y naiiwan?

"Inaano ka ba?"

O sige para matapos na.
Wala. Wala kang ginagawa. Sa totoo wala kang dapat gawin.
Dahil sa bawat kilos, bawat hinga, bawat hikbi at bawat tawa.
Lalo lang ako nahuhulog sayo mutya.
Kaya sana, kung pwede lang wag ka nang magtaka.

Oo mahal na mahal kita.
Tags

Post a Comment

0 Comments